BAGSIK NI URDUJA | Higit 1500 residente ng Capiz at Aklan, inilikas

Inilikas ang mahigit isang 1500 residente sa Capiz at Aklan dahil sa pagbaha na dala ng Bagyong Agaton.

Ayon sa report ng Capiz Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, hindi bababa sa tatlongdaan pamilya o 976 katao ang nananatili sa mga evacuation center o private houses sa lalawigan.

Nagpatupad din ng preemptive evacuations sa pitong bayan sa aklan kabilang na ang kalibo ayon kay Galo Ibardolaza, executive officer ng Aklan PDRRMO.


Bukod sa Kalibo, apektado din ang mga bayan ng Libacao, Madalag, Lezo, Numancia, Banga at Malinao.

Sa Capiz naman, sampung bayan ang apektado ng mga pagbaha kabilang ang Maayon, Sigma, Cuartero, Mambusao, Dumalag, Dao, Panitan, Pontevedra, Dumarao at Panay.

Facebook Comments