BAGSIK NI URDUJA | Mahigit 700 pamilya, nasa evacuation centers pa rin

Biliran, Leyte – Nanatili ngayon sa tatlumpu’t isang (31) evacuation centers ang 705 pamilya sa region 5 at Biliran sa lalawigan ng Leyte.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, nagpapatuloy ngayon ang pagbibigay ng tulong ng mga lokal na pamahalaan at mga taga-DSWD.

Kabuuang 12, 041 mga bahay naman ang naitalang nasira dahil sa bagyong Urduja, 2,918 dito ay totally damage at 9,120 ay partially damage.


Ang mga nasirang bahay na ito ay namonitor ng NDRRMC sa Region 5, 8 at CARAGA.

Umabot rin sa halagang 559 Million pesos ang napinsala sa sektor ng imprastraktura at halagang 581 Million pesos sa mga pananim.

Nanatili sa 45 katao ang naitalang nasawi at 46 ang nawawala.

Facebook Comments