BAGSIK NI URDUJA | Temporary learning spaces para sa mga mag-aaral na naapektuhan sa Biliran, itinakda ng DepEd

DepEd, target na mapanatiling normal ang klase para sa mga magaaral sa Birilan na isa sa mga hinagupit ng bagyong Urduja.

Biliran – Target ng Department of Education (DepEd) na mapanatiling normal ang mga klase sa muling pagbabalik eskwela sa Enero 3, para sa mga mag-aaral ng 12 paaralan na sinalanta ng bagyong Urduja.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, habang inaayos pa ang mga napinsalang school buildings, nag-provide muna ang DepEd ng mga temporary learning spaces para sa mga mag-aaral.


Ayon sa kalihim, hindi imposible na maibalik sa ayos ang mga paaralang nasira ng bagyo lalo’t may budget naman ang DepEd para tustusan ang higit 30 milyong pisong kakailanganin sa pagsasaayos ng mga gusali at classrooms.

Sa kasalukuyan, katuwang ang iba pang stake holders, nagpapatuloy ang brigada eskwela sa Biliran, na may temang, Biliran: Bangon, Barug, Balik Eskwela

Facebook Comments