Zamboanga Del Norte – Apat ang patay habang pito ang nawawala sa flash flood sa Salug, Zamboanga Del Norte.
Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council – rumagasa na lang ang tubig at putik sa kabundukan na tumuloy hanggang sa malapit sa poblacion area kaninang alas-5:00 ng umaga.
Kasama ang mga biktima sa una nang nailikas, ngunit nagbalikan ang ilan para puntahan ang kanilang mga bahay.
Samantala, umakyat naman na sa dalawamput’ tatlo (23) ang bilang ng namatay sa pananalasa ng bagyong Vinta sa Northern Mindanao.
Karamihan sa mga namatay ay mula sa lalawigan ng Lanao Del Norte, Misamis Occidental at Bukidnon.
Sa ngayon, mahigit pitong libong pamilya na ang inilikas dahil sa mataas na baha dulot ng bagyong Vinta.
Nakapagtala rin ang police region office 11 ng 118 mga bahay na nawasak maliban pa sa mga nasirang tulay at ilang imprastraktura.