Iligan City – Lagpas sampu na ang patay sa barangay Dalama, Tubod, Lanao Del Norte matapos anurin baha ang mahigit 100 bahay nang tumama ang bagyong si Vinta kahapon.
Ayon kay Tubod, Lanao del Norte ABC President Ryan Cabus na hanggang ngayon ay patuloy pa nilang hinahanap ang iba pang residente sa naturang barangay.
Maaga pa raw kahapon ay pinagsabihan na nila ang mga residente na maghanda sa paparating na bagyo pero dahil sa lakas ng hangin at ulan ay hindi nakaalis sa kanilang mga tirahan ang mga residente.
Samantala, sa lungsod ng Iligan naman ay may tatlong bahay sa Barangay San Roque ang totally washed out dahil pa rin sa bagyong si Vinta.
Tatlo ang partially damage sa Barangay Abuno at Pugaan at isa ang namatay dahil sa malakas na hangin dulot ng bagyo at tumama ang puno ng niyog sa biktima.
Ayon kay Perly Mantos ng CSWD na agad silang namahagi ng food packs para sa mga bakwit na patuloy ngayong nasa ibat-ibang evacuation center ng lungsod.