Manila, Philippines – Nadagdagan pa ang bilang ng mga pasahero na stranded dahil sa bagyong Vinta.
Mula sa 1,500 ay umakyat na ito sa 5,365.
Pinakamarami sa mga stranded ay mula sa North Harbor Port sa Manila na may record na 1,230.
Sinundan ito ng Dapitan Port sa Northern Mindanao na may 1,030 stranded passengers at tinago port sa Central Visayas na may 541.
Aabot naman na sa 435 rolling cargo, 62 vessels at 18 motor banca ang hindi nakapaglayag.
Muli namang nagpaalala ang Philippine Coast Guard sa lahat ng shipping owners at operator sa kanilang ‘no sail regulation’ kapag may bagyo.
Facebook Comments