Northern Mindanao – Umakyat na sa dalawamput’ tatlo (23) ang bilang ng namatay sa pananalasa ng bagyong Vinta sa Northern Mindanao.
Karamihan sa mga namatay ay mula sa lalawigan ng Lanao Del Norte, Misamis Occidental at Bukidnon.
Wala namang naitalang nasawi sa mga lalawigan ng Misamis Oriental, Camiguin at Cagayan De Oro City.
Sa ngayon, mahigit pitong libong pamilya na ang inilikas dahil sa mataas na baha dulot ng Bagyong Vinta.
Nakapagtala rin ang police region office 11 ng 118 mga bahay na nawasak maliban pa sa mga nasirang tulay at ilang imprastraktura.
Posibleng pang tumaas ang bilang casualties dahil patuloy pa ang pangangalap ng impormasyon sa ilang mga lugar na matinding hinagupit ng bagyo.
Facebook Comments