BAGSIK NI VINTA | Rehabilitasyon sa agrikultura, pinamamadali ni Pangulong Duterte

Lanao Del Norte – Pinamamadali ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Agriculture ang rehabilitasyon sa agrikultura sa Lanao Del Norte matapos mapinsala ng bagyong Vinta.

Partikular na inatasan ng Presidente si Agriculture Undersec. Bernadette Romulo Puyat.

Ayon sa Pangulo, agrikultura ang pinagkukunan ng kabuhayan ng mga taga-Lanao del Norte kaya mahalagang maisa-ayos ito sa lalong madaling panahon.


Aabot sa 38 million pesos ang halaga ng agrikultura na nasira sa buong Mindanao dahil sa pananalasa ng Bagyong Vinta.

Facebook Comments