Baguio City, maghihigpit sa kanilang borders dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases

COURTESY The Crazy Tourist

Hinigpitan na ng Baguio City ang pagbabantay sa mga border nito matapos na magkaroon ng pagtaas sa COVID-19 cases sa mga kalapit nitong bayan.

Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, simula sa Sabado, magpapatupad ang lokal na pamahalaan ng mas istriktong panuntunan para sa mga manggagaling sa mga bayan ng Tuba, La Trinidad, Sablan at Tublay.

Nitong Oktubre, matatandaang binuksan ang Baguio City para sa mga turistang manggagaling sa Luzon.


Samantala, umaasa rin ang alkalde na siya ring nagsisilbing contact tracing czar ng bansa na mapapataas nila ang kanilang contact tracing at testing capacity.

Nabatid na nasa 1:7 at 1:9 pa lamang ang kasalukuyang contact tracing ratio sa Pilipinas.

Malayo pa rin ito sa target na 1:37 o 37 COVID-19 patients ang dapat na matukoy ng kada isang contact tracer.

Facebook Comments