Baguio City Mayor Benjamin Magalong, pormal ng inindorso sina Lacson-Sotto Tandem

Pormal ng inindorso ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong sina Partido Reporma standard-bearer Senator Panfilo “Ping” Lacson at ng kaniyang running mate na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III kung saan naniniwala ang alkalde na ang mga beteranong senador lamang ang makareresolba at maiangat ang bansa sa susunod na anim na taon.

Ayon kay Mayor Magalong, napipisil niyang inindorso sina Lacson-Sotto tandem sa isinagawang press conference na ginanap sa Newtown Plaza Hotel, dahil sa dalawang beteranong senador lamang niya nakikita ang tunay na lider na kayang pamunuan ang bansa kung saan hihikayatin nito ang kaniyang mga nasasakupan na maging matalino sa pagpili ng kandidato na may malawak na karanasan at kayang pamunuan ang Pilipinas.

Paliwanag ni Magalong, na madalas niya umanong nitong binabatayan ang pag-aaral ng National Economic Development Authority o NEDA kung saan tinatayang ₱41-trillion sa mga susunod na apat na dekada ang isa sa maraming mga rason kung bakit dapat na iboto ng taongbayan sina Lacson-Sotto Tandem.


Inihalimbawa ni Magalong na ang Pilipinas ay nasa sitwasyon na madalim na kinatatayuan na kumbaga umano ay nasa kumunoy ang bansa at nandoon pa tayo sa ilalim ng balon na napakadilim, doon na nga tayo umano sa ilalim ng balon, napakalalim na hinuhukay pa natin para lalo tayong lumalim.

Sa madaling salita, ibinabaon umano natin ang ating sarili kung hindi tayo makakapili ng tamang lider ay wala na umano tayong oportunidad na makarekober o makabangon pa mula sa pagkalugmok.

Kaugnay nito, hinikayat ni Magalong ang mga botante na maging mapanuri at iboto ang tamang lider na may malawak na karansan at integridad at hindi magnanakaw sa kaban ng bayan.

Facebook Comments