Baguio City, muling binuksan ang ekonomiya sa ilalim ng ‘new normal’ 

Umaasa ang National Task Force against COVID-19 na magsilbing halimbawa sa iba pang Local Government Units (LGU) ang Baguio City na muling binuksan ang ekonomiya sa ilalim ng ‘new normal.’ 

Ayon kay NTF Deputy Chief Implementer at Testing Czar Vince Dizon, matagumpay na nakapag-adjust ang lungsod sa new normal kung saan nasusunod ang pagsusuot ng face mask, face shield at physical distancing. 

“I think I have seen the new normal now here in Baguio City. I arrived early dito sa Session Road at marami ng mga sasakyan, nagbebenta at namimili na ang mga tao,” sabi ni Dizon. 


“Halos walang pinagkaiba sa dating Session Road maliban lang sa naka-face mask, face shield, at dumidistansya ang mga tao,” dagdag pa niya. 

Nabatid na inilunsad ng pamahalaan ang tourism bubble sa pagitan ng Baguio City at Ilocos Region simula sa October 1, 2020 sa ilalim ng mahigpit na health protocols. 

Facebook Comments