Baguio City, nag-iisang siyudad na nakakasunod sa NAP ng pamahalaan kontra COVID-19

Tanging ang lungsod ng Baguio pa lamang ang nagiisang siyudad sa bansa ang nakakasunod sa National Action Plan (NAP) ng gobyerno para malabanan ang pagkalat ng COVID-19.

Ito ang iniyahag ni National Task Force COVID-19 Spokesperson Retired General Restituto Padilla.

Ito ay matapos na hindi makapagtala ng bagong kaso ng COVID 19 ang Baguio City sa nakalipas na siyam na araw.


Sa press conference sa Camp Aguinaldo sinabi ni Padilla na mahigpit na naipapatupad ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang transparency sa communication, mass testing at epektibong contact tracing.

Kaya naman panawagan ng National Task Force COVID-19 sa lahat ng Local Government Units (LGUs) na seryosohin ang mga nakasaad sa National Action Plan at gawing ehemplo ang Baguio City.

Giit ni Padilla, malaki ang gampanin ng mga LGUs sa umiiral ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Sinabi naman ni UP Executive Vice President Dr. Teodoro Herbosa Jr. na makalipas ang tatlong linggong ipinatupad na community quarantine malaki ang ibinaba ng mga nagpositibo sa COVID-19.

Bukod rito pinapalakas ng gobyerno ang kapasidad ng mga ospital at health system kontra sa COVID-19.

Nagtalaga na rin, aniya, ang gobyerno ng community quarantine area para sa mga taong expose sa taong may COVID-19.

Sa huli panawagan ni Padilla sa lahat na seryosohin ang pagsunod sa mga ipinatutupad ng gobyerno lalo na ang pananatili sa bahay hanggang April 30, 2020.

Facebook Comments