Baguio City, nakapagtala ng 5 kaso ng pertussis

May kaso na rin ng pertussis o whooping cough sa Baguio City.

Sa datos ng City Epidemiology And Surveillance Unit, naitala ang mga nasabing kaso sa pagitan ng February 19 hanggang March 27.

Tiniyak naman ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na walang dapat ikaalarma pero pinaalalahanan niya ang kanyang mga kababayan na maging alerto sa nasabing sakit.


Hanggang noong March 27, umabot na sa 568 ang pertussis cases sa buong bansa na dalawampung beses na mas mataas kumpara sa naitalang kaso nito sa kaparehong panahon noong 2023.

Sa ngayon, 40 na ang nasawi sa whooping cough.

Nagdeklara na ng state of calamity ang Quezon City, Cavite at Iloilo dahil sa petussis outbreak.

Facebook Comments