BAGUIO FLOWER FESTIVAL | Panagbenga 2018, pormal nang inilunsad

Baguio City – Pormal nang inilunsad ng lungsod ng Baguio ang Panagbenga 2018.

Kasabay nito, hiniling ng local na pamahalaan ng Baguio ang pagtutulungan ng mga tao at mga opisyal para sa matagumpay na pagdiriwang ng ika-22 taon ng Baguio flower festival.

Nabatid na sa pamamagitan ng public-private partnership ng lokal na pamahalaan ng lungsod at ng Baguio Flower Festival Foundation, Inc. (BFFI), ay maisasagawa ng maayos ang nasabing selebrasyon.


Planong isagawang muli ang Session Road in bloom, Philippine Military Academy Alumni Homecoming Weekend, Pony Boys Day, at iba pang events.

Magsisimula ang Panagbenga o Baguio Flower Festival sa unang araw ng buwan ng Pebrero.

Facebook Comments