Baguio Taxi Driver, Palakpakan!

57

Baguio, Philippines – Isa na namang mabait at mapagkakatiwalaang driver ang nagsauli ng bag na naiwan sa kanyang minamanehong taxi.

Si Mr. Ernesto B. Kuengan ” Manong Nano” ng Central Balili, La Trinidad, Benguet ng Lacdagan Taxi ay pinapasalamatan ni Ms. Tagreed Abdualisagi Suliman Yagub, estudyante at isang Sudanese.

Pinamunuan ni Station Six Station Commander PCPT Luis C. Dangatan, Jr. ang pagsasauli ng naturang bag na naglalaman ng pasaporte at pera na nagkakahalaga ng Labing Tatlong Libong Piso Tatlong Daan at Limampu o P13, 350.00.

Pinatunayan na naman ni Manong Nano na ang mga taxi driver sa Baguio ay nangunguna pagdating sa pagiging matapat at maaasahan.

iDOL, kilala mo ba si Manong Nano?

Facebook Comments