BAGYO | Ilang bahagi ng Marcos Highway, binabaha

Dahil sa tuloy tuloy na pagbuhos ng ulan kagabi dulot ng bagyong Domeng ilang bahagi sa Marcos Highhway ay binabaha.

Mistulang dagat ang kahabaan ng Marcos Highway pagkalampas ng Masinag galing Cogeo pero madadaanan pa naman ng lahat ng uri ng sasakyan.

Lahat ng mga sasakyang dumadaan sa Marcos Hiway mula Masinag papuntang Cubao ay sa gilid ng Center Island dumadaan dahil malalim ang tubig baha sa gitna ng Highway.


Bahagyang tumigil ang buhos ng ulan na simula kagabi hanggang kanina ay malakas ang ulan pero ngayon ay ambon nalamang ang nararanasan sa kahabaan ng Marcos Highway pero makulimlim pa rin ang kalangitan na nagbabadyang bubuhos ang malakas na ulan.

Facebook Comments