Bagyo na nasa labas ng PAR, lumakas pa

Mananatili ang maaliwalas na panahon sa bansa.

Umiiral din ang northeast surface wind flow na maghahatid ng kalat-kalat na mahihinang ulan sa Aurora at Quezon Province, Bicol Region, Eastern Visayas.

Sa labas ng bansa, binabantayan ang bagyong na may international name na “Wutip”.


Ito ay nasa 2,775 kilometers silangan ng Mindanao.

Taglay nito ang lakas ng hanging nasa 105 kilometers per hour at pagbugsong 130 kilometers per hour.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Loriedin Dela Cruz, lumakas pa ito bilang severe tropical storm.

Facebook Comments