Umabot na sa mahigit apatnapung libong pamilya o katumbas ng 162, 22 indibidwal ang naapektuhan ng patuloy na pagulan epekto ng pananalasa ng bagyong Henry at bagyong Inday na sinabayan pa ng habagat.
Batay sa monitoring ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) 858 na pamilyang apektado ng bagyo ay nanatili ngayon sa 42 mga evacuation centers.
Habang ang mahigit ang 33 libong pamilya ay nakikitira ngayon sa kanilang mga kamag-anak o ang iba ay nananatili sa kanilang mga bahay.
Kabuuang mahigit apat na milyong piso na rin ang naibigay na tulong ng DSWD sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyo.
Pero may standby funds pa sila na aabot sa mahigit 209 milyong piso, sa halagang ito mahigit 161 milyong piso ay available bilang quick response fund.
Nagpapatuloy naman ang monitoring ng operation center ng NDRRMC sa mga lugar na nakakaranas ng patuloy na pag-ulan.