BAGYO | Pinsala sa sektor ng agrikultura at pangisdaan pumalo na sa P565.19-M

Manila, Philippines – Umabot na sa P565.19 million pesos ang iniwang pinsala sa sektor ng agrikultura at pangisdaan ng tropical storm Henry at Inday sa bansa.

Ayon kay Agriculture Undersecretary for Operations and Agri-Fisheries Mechanization Engr. Ariel Cayanan, may kabuuang P428.03 million peso ang pinsala sa pananim na palay kung saan nasira ang 26,667 ektarya ng lupang sakahan sa mga lalawigan ng Pangasinan, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Batangas, Rizal, Laguna, Occidental Mindoro, Negros Occidental at Aklan.

Tinatayang nasa 314 metric tons ang production loss sa produktong palay at pati na ang seedbeds na may 1,338 bags of rice ang na washed out ng pagbaha.


Aabot naman sa P1million ang nasira sa pananim na mais ng masira ang may 60 ektaryang taniman sa Pangasinan.

Habang hindi na rin mapakinabangan ang production and Fishery facilities, fishing gear at paraphernalia sa ilang lugar sa Cordillera Autonomous Region (CAR), Regions 2 at3 at Calabarzon area na umabot ng P136.16 million pesos ang pinsala.

Facebook Comments