BAGYO | Tropical storm Gordon, nananalasa na sa Florida

Nagdadala na ng malalakas na hangin at ulan sa Gulf of Mexico ang tropical storm Gordon.

Ayon sa National Hurricane Center, inaasahang lalakas pa ito sa susunod na 48-oras.

Naramdaman na ang hagupit ng bagyo sa South Florida, habang nag-iipon ito ng lakas bago ito tumama ng kalupaan ng Mississippi o Alabama.


Nakataas na ang hurricane watch sa Mississippi at Alabama Coast kabilang ang mga lungsod ng Gulfport, Biloxi at Mobile.

Aabot na sa dalawang milyong tao ang nasa ilalim ng hurricane watch at storm surge warnings at higit 13 milyong tao ang nasa ilalim ng tropical storm warnings.

Kumikilos si Gordon West-Northwest sa bilis na 16 miles per hour at may maximum sustained winds na aabot sa 45 miles per hour.

Facebook Comments