Bagyon Gorio, patuloy na lumalakas

Manila, Philippines – Patuloy na lumalakas ang bagyong ‘Gorio’ habang tinatahak ang hilagang kanluran.

Huling namataan ang bagyo sa layong 595 kilometers silangan – hilangang silangan ng Casiguran, Aurora.

Taglay nito ang lakas ng hanging 85 kilometer per hour malapit sa gitna at pagbugsong 105kph.


Kumikilos ito pa-hilaga sa bilis ng 13 kph.

Bagamat, walang direktang epekto sa bansa, pinapalakas nito ang hanging habagat na nagdadala ng pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon.

Wala pang nakataas na storm warning signals sa bansa.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo pagdating ng linggo.

Facebook Comments