BAGYONG AGATON | Bagyo, lalabas na ng bansa ngayong araw

Aborlan, Palawan – Papunta na sa West Philippine Sea ang Bagyong Agaton matapos itong mag-landfall kagabi sa Aborlan, Palawan.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 175 kilometers kanluran hilagang kanluran ng Puerto Princesa City, Palawan.

Mayroon itong lakas ng hangin na aabot sa 55 kph malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 65 kph.
Tinatahak ng Bagyong Agaton ang pakanlurang direksyon sa bilis na 25 kph.

Ibig sabihin, anumang oras ngayong araw ay lalabas na rin ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.
Kasabay nito ay inalis na rin ng PAGASA ang lahat ng storm signal pero patuloy namang magdudulot ng pag-ulan ang Bagyong Agaton sa ibang bahagi ng Palawan.


Facebook Comments