Bagyong “Agaton”, lalo pang lumakas habang nasa katubigan ng Guiuan Eastern Samar; TCWS No. 2, nakataas na sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao

Lalo pang lumakas ang Bagyong “Agaton” habang kumikilos pa-kanluran hilagang-kanluran sa katubigan ng Guiuan, Eastern Samar.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 80 km/h.

Kumikilos ito sa bilis na 10 km/h.


Kasalukuyang nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa:

– Southern portion ng Eastern Samar (Guiuan, Mercedes, Salcedo, Quinapondan, Giporlos, Balangiga, Lawaan, General Macarthur, Hernani, Llorente)
– Extreme southern portion ng Samar (Marabut)
– Northern portion ng Dinagat Islands (Loreto, Tubajon)

Habang signal no.1 sa:
– Natitirang bahagi ng Eastern Samar
– Natitirang bahagi ng Samar
– Northern Samar
– Biliran
– Leyte
– Southern Leyte
– Camotes Islands
– Surigao del Norte
– Natitirang bahagi ng Dinagat Islands

Batay sa forecast ng PAGASA, magiging mabagal ang galaw ng Bagyong “Agaton” ngayong araw hanggang sa Martes.

Dahil dito, inaasahang magla-landfall ang bagyo sa katimugang bahagi ng Eastern Samar sa susunod na ilang oras.

Samantala, patuloy ding binabantayan ng PAGASA ang isa pang paparating na bagyo na may international name na “Malakas.”

Huling itong namataan kagabi sa layong 1,815 kilometers Silangan ng Mindanao.

Facebook Comments