BAGYONG AGATON | LPA, ganap na bagyon na; Mga lugar na nasa ilalim ng signal number 1, alamin!

Manila, Philippines – Isa nang ganap na bagyo ang binabatanyang Low Pressure Area ng PAGASA sa Mindanao.

Huling itong namataan sa layong 175 kilometers sa silangan hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur.

Taglay ng bagyong Agaton ang lakas ng hanging umaabot sa 45 kilometers per hour at pagbugsong 60 kph.


Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 19 kph.

Nakataas na ang signal number 1 sa:

 Surigao Del Norte kabilang ang Siargao Island
 Surigao Del Sur
 Dinagat Island
 Agusan Del Norte
 Agusan Del Sur
 Davao Oriental
 Davao Del Norte
 Davao Del Sur
 North Cotabato
 Compostela Valley
 Misamis Oriental
 Misamis Occidental
 Lanao Del Norte
 Lanao Del Sur
 Camiguin
 Bukidnon

Ayon sa PAGASA, magpapaulan ang bagyo sa mga rehiyon ng Visayas at Mindanao.

Facebook Comments