Bagyong Agaton, napanatili ang lakas habang kumikilos pa-kanluran

Napanatili pa ng Bagyong Agaton ang kaniyang lakas habang patuloy ang pagkilos pakanluran.

Ayon sa PAGASA-DOST, huling namataan ang bagyo sa karagatang bahagi ng Lawaan, Eastern Samar at mabagal ang paggalaw nito.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong nasa 105 kilometro kada oras.


Sa ngayon, nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 ang mga sumusunod na lugar.

• Central at southern portions ng Eastern Samar
• Central at southern portions ng Samar
• Biliran
• Northern at eastern portions ng Leyte

Habang nasa Signal No. 1 naman ang mga sumusunod:

• Southern portion ng Masbate
• Nalalabing bahagi ng Eastern Samar
• Nalalabing bahagi ng Samar
• Northern Samar
• Nalalabing bahagi ng Leyte
• Southern Leyte
• Northeastern portion ng Cebu kabilang na ang Camotes Island
• At eastern portion ng Bohol

Asahan pa rin ang mga katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa mga nabanggit na lugar.

Facebook Comments