Bagyong Aghon, napanatili ang lakas habang nasa katubigan ng Catbalogan City, Samar; 18 lugar, nakasailalim pa rin sa TCWS No. 1

 

Napanatili ng bagyong “Aghon” ang lakas nito habang nasa katubigan ng Catbalogan City sa Samar.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugong hanggang 90 km/h.

Kumikilos ito pa-hilagang kanluran sa bilis na 30 km/h.


Samantala, nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal no. 1 sa:

Luzon:
 Hilagang bahagi ng Aurora (Casiguran, Dilasag)
 Polillo Islands
 Southern portion ng Quezon (Calauag, Guinayangan, Lopez, Buenavista, Catanauan, Mulanay, San Narciso, San Francisco, San Andres, Tagkawayan, Gumaca, Quezon, Alabat, Perez, Plaridel, Pitogo, Macalelon, General Luna, Atimonan, Unisan)
 Silangang bahagi ng Romblon (Cajidiocan, Magdiwang, San Fernando)
 Camarines Norte
 Camarines Sur
 Catanduanes
 Albay
 Sorsogon
 Masbate kabilang ang Burias at Ticao Islands

Visayas:
 Northern Samar
 Samar
 Eastern Samar
 Biliran
 Leyte
 Southern Leyte
 Extreme Northern Portion ng Cebu (San Remigio, Tabogon, City Of Bogo, Medellin, Daanbantayan, Borbon) kabilang ang Camotes at Bantayan Islands

Mindanao:
 Dinagat Islands

Una nang nag-landfall ang bagyong Aghon sa Giporlos, Eastern Samar kaninang madaling araw.

Batay pa sa forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), posible itong maging tropical storm sa sandaling makarating sa katubigan sa hilaga ng Camarines Provinces.

Lalakas pa ang bagyo at magiging typhoon sa martes kung kailan din ito inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Facebook Comments