BAGYONG ALBERTO | DFA, patuloy na mino-monitor ang kalagayan ng mga Pilipino sa Estados Unidos

Nagpaabot na ng simpatya ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga apektado ng flash floods dulot ng tropical storm Alberto sa Maryland at ilang parte ng southeastern coast ng Estados Unidos.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano kaisa ang Pilipinas sa panalanging makabangon agad ang mga nabiktima ng kalamidad.

Nabatid na nag landfall ang tropical storm Alberto sa Florida noong Linggo dahilan upang ideklara ang state of emergency.


Kasunod nito patuloy na mino-momitor ng Embahada sa Washington, D.C. ang sitwasyon ng mga Pilipino doon.

Ayon kay Ambassador Jose Manuel Romualdez, tuloy ang pangangalap nila ng impormasyon kaugnay ng kalagayan ng nasa higit 3,000 myembro ng Filipino Community sa Ellicott, na matatagpuan sa Howard County na malapit lamang sa naapektuhan ng flash floods.

Sinabi pa ni Ambassador Romualdez, na nagpalabas na rin sila ng warning at pinayuhan ang mga Pinoy na manatili na lamang sa loob ng kanilang tahanan hangga’t hindi pa bumubuti ang lagay ng panahon,

Inilunsad din ang hotline +1-202-368-2767 saka sakaling may emergency situation.

Sa datos ng DFA nasa 25,000 ang mga Pilipino sa mga lugar na apektado ng tropical storm Alberto.

Facebook Comments