BAGYONG ALBERTO | Mga Pinoy sa southeastern coast ng Amerika, pinag-iingat ng DFA

Amerika – Inabisuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipino sa southeastern coast ng United States, partikular sa Florida, Alabama at Mississippi na magdoble ingat kasunod narin ng pag-landfall ni tropical storm Alberto.

Ayon sa Philippine Embassy sa Washington, D.C., nagpalabas na rin sila ng warning sa ating mga kababayan at pinayuhan ang mga Pinoy na manatili na lamang sa loob ng kanilang tahanan hangga’t hindi pa nakakaalis ang bagyong Alberto.

Sa datos ng embahada sa Washington mayruong 179,647 na mga Pilipino sa nabanggit na lugar kung saan 151,376 dito ang nasa Florida; 14,409 Pinoy na nasa Tennessee; 8,244 sa Alabama; at 5,683 sa Mississippi.


Inilunsad din ang hotline +1-202-368-2767 saka sakaling may emergency situation.

Inaasahang magdadala ang tropical storm Alberto ng flash floods, storm surges, strong winds, at maging ng tornadoes.

Facebook Comments