Handa na ang nasa P2.4-billion na halaga ng mga rescue material at relief assistance para sa mga maaapektuhan ng Bagyong “Amang”.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), inalerto na ng dilg ang mga local government unit sa mga lugar na daraanan ng bagyo.
Naka-activate na umano ang “oplan listo” ng ahensya para sa pagresponde sa mga emergency.
Samantala, bumilis ang kilos ng Bagyong “Amang” habang tinutumbok ang Caraga.
Alas-10:00 kaninang umaga, huling namataan ang bagyo sa layong 165 kilometers silangan hilagang-silangan ng hinatuan, Surigao del Sur.
Kumikilos ito sa bilis na 30 kilometers per hour, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 45 kph at pagbugsong 60 kph.
Kasalukuyang nakataas ang tropical cyclone warning signal number 1 sa:
Visayas:
– Eastern Samar
– Samar
– Biliran
– Leyte
– Southern Leyte
– Eastern Bohol
– Northern Cebu
Mindanao:
– Agusan del Sur,
– Agusan del Norte,
– Surigao del Sur,
– Surigao del Norte,
– Dinagat Islands
– Camiguin