Bahagyang bumilis ang kilos ng Bagyong Ambo habang kumikilos pa-hilaga.
Huli itong namataan sa layong 210 kilometers hilagang-kanluran ng Calayan, Cagayan o 185 kilometers kanluran ng Basco, Batanes.
Napanatili ng bagyo ang lakas ng hangin nito na aabot sa 45 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong 55 kph.
Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa Batanes kaya aasahan dito ang katamtaman hanggang sa malakas na mga pag-ulan.
Habang mahina hanggang sa katamtaman at paminsan-minsang malakas na pag-ulan ang iiral sa Babuyan Islands.
Ayon sa PAGASA, hihina ang bagyo at magiging Low Pressure Area (LPA) na lamang sa susunod na 12 hanggang 24 na oras.
Facebook Comments