Bagyong Ambo, lumakas pa bilang isang tropical storm

Ganap nang Tropical Storm ang Bagyong Ambo.

Sa huling weather bulletin ng DOST-PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 455 kilometers silangan-hilagang silangan ng Surigao City, Surigao del Norte o 400 kilometers silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Mayroon na itong lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour at pagbugsong nasa 80 kph.


Posibleng itaas ang tropical cyclone wind signal number 1 sa Eastern Samar at silangang bahagi ng Northern Samar sa susunod na anim hanggang 12 oras.

Sa ngayon, asahan ang kalat-kalat na ulan na may paminsan-minsang malalakas na pag-ulan sa Mindanao at Eastern Visayas.

Inaasahang lalakas pa ang bagyo habang papalapit ng Eastern Visayas-Bicol Region Area.

Mapanganib ang maglayag sa silangang baybayin ng Bicol Region maging sa hilaga at silangang baybayin ng Eastern Visayas.

Facebook Comments