Patuloy na humihina ang Tropical Storm Ambo.
Huling namataan ang bagyo sa bisinidad ng Tuba, Benguet.
Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers per hour at pagbugsong nasa 125 kph.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong Hilagang Kanluran sa bilis na 15 kph.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 2 sa sumusunod:
– Babuyan Islands
– Hilagang Kanlurang bahagi ng Cagayan
– Nueva Vizcaya
– Kanlurang Bahagi ng Quirino
– Ilocos Norte
– Ilocos Sure
– La Union
– Pangasinan
– Apayao
– Abra
– Kalinga
– Mountain Province
– Ifugao
– Benguet
– Gitnang bahagi ng Aurora
– Nueva Ecija
– Tarlac
Signal Number 1 naman sa:
– Batanes
– Natitirang bahagi ng Cagayan
– Isabela
– Natitirang bahagi ng Quirino
– Zambales
– Bataan
– Pampanga
– Bulacan
– Natitirang Bahagi ng Aurora
Ayon sa DOST-PAGASA, asahan ang katamtaman hanggang sa malalakas na ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, at hilagang bahagi ng Aurora at Zambales.
Mapanganib pa ring maglayag para sa lahat ng uri ng sasakyang pandagat sa mga baybaying na nasa ilalim ng Wind Signals at sa silangang baybayin ng Quezon at Polillo Islands.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo sa Lunes ng hapon.