Bagyong Ambo, nag-ikatlong landfall sa Ticao Island at tutumbukin naman ang Burias Island

Inaasahang tutumbukin ng Typhoon Ambo ang Burias Island.

Bago ito, huling nag-landfall ang bagyo sa Ticao Islands sa Masbate kaninang madaling-araw, at unang tumawid sa Dalupri Island, Northern Samar at sa Capul Island, Northern Samar.

Sa huling weather bulletin ng DOST-PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 55 kilometers Silangan – Timog silangan ng Juban, Sorsogon o 30 km Hilaga – Hilagang Kanluran ng Masbate, City.


Napanatili nito ang lakas ng hanging aabot sa 130 kilometers per hour at pagbugsong nasa 180 kph.

Kumikilos ang bagyo pa-hilangang kanluran sa bilis na 15 kph.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signals sa sumusunod:

SIGNAL NUMBER 3

Sorsogon

Albay

Masbate (kasama Ticao Islands)

Catanduanes

Camarines Sur

Camarines Norte

Marinduque

Katimugang bahagi ng Quezon

Kanlurang bahagi ng Norhtern Samar

SIGNAL NUMBER 2

Katimugang bahagi ng Aurora

Pampanga

Nueva Ecija

Tarlac

Bulacan

Metro Manila

Cavite

Batangas

Laguna

Rizal

Natitirang bahagi ng Quezon

Romblon

Natitirang bahagi ng Northern Samar

Hilagang bahagi ng Samar

Biliran

 

SIGNAL NUMBER 1

Cagayan

Isabela

Nueva Viscaya

Quirino

Ilocos Norte

Ilocos Sur

La Union

Pangasinan

Apayao

Kalinga

Abra

Mountain Province

Ifugao

Benguet

Zambales

Bataan

Natitirang bahagi ng Aurora

Oriental Mindoro

Hilagang bahagi ng Eastern Samar

Hilagang bahagi ng Leyte

Natitirang bahagi ng Samar

Hilagang-silangang bahagi ng Capiz

Hilagang-silangang bahagi ng Iloilo

Hilagang bahagi ng Cebu

Asahan ang malalakas na bugso ng hangin at buhos ng ulan sa Masbate lalo na sa Ticao at Burias Islands.

Magdamag din ang katamtaman hanggang sa malalakas na ulan sa Bicol Region, Quezon, Northern Samar, Marinduque, Laguna, at Rizal

Mararamdaman na ang malalakas na ulan mamayang gabi sa Northern Quezon, Bulacan, Nueva Ecija, Aurora, Nueva Viscaya, Quirino, Isabela, Cagayan, Ifugao, Mountain Province, Kalinga, Apayao, at Benguet.

Nagbabala rin ang PAGASA ng storm surge o daluyong na may taas na dalawang metro sa mga baybayin ng Catanduanes. Camarines Sur, Camarines Norte, at Quezon.

Facebook Comments