Bagyong Ambo, nag-iwan ng halos 80 milyong pisong pinsala sa agrikultura ayon sa NDRRMC

Umabot sa ₱79.9 million na halaga ng pinsala ang iniwan ng Bagyong Ambo sa sektor ng agrikultura.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Ricardo Jalad, ang nasabing halaga ay mababa kumpara sa halaga ng pinsala mula sa mga nagdaang bagyo.

Ang Masbate ang nakapagtala ng mataas na pagkalugi sa agrikultura na nasa halos 37 milyong piso, kasunod ang Camarines Sur na nasa higit 33 milyong piso.


Aabot naman sa ₱4.6 million ang pinsala sa Albay, habang ang Sorsogon at Catanduanes ay nakapagtala ng tig-₱2.6 million.

Nasa ₱85,000 na halaga ng pinsala ang narekord sa Camarines Norte.

Hindi pa kasama sa preliminary report ang datos mula sa Eastern Visayas kung saan unang tumama ang bagyo nitong Huwebes.

Facebook Comments