Tumama na sa kalupaan ng San Andres, Quezon ang Bagyong Ambo, alas-7:45 kaninang umaga.
Ito na ang ika-anim na beses na nag-landfall ang bagyo.
Huling namataan ang Bagyong Ambo sa karagatan ng San Andres, Quezon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 125 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong 165 kph.
Kumikilos ito pa-hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.
Samantala, nakataas ang tropical cyclone wind signal no. 3 sa:
• Western portion ng Camarines Sur
• Extreme western portion ng Camarines Norte
• Burias Island
• Marinduque
• Eastern portion ng Quezon
• Eastern portion ng Laguna
Tropical cyclone wind signal no. 2 naman sa:
• Southeastern portion ng Pangasinan
• Nueva vizcaya
• Quirino
• Aurora
• Nueva Ecija
• Tarlac
• Pampanga
• Bulacan
• Metro Manila
• Rizal
• Cavite
• Batangas
• natitirang bahagi ng Laguna
• natitirang bahagi ng Quezon
• Western portion ng Masbate kabilang ang Ticao Island
• natitirang bahagi ng Camarines Norte
• natitirang bahagi ng Camarines Sur
• Albay
• Sorsogon
• Southern portion of Catanduanes
• Eastern portion of Romblon
Habang tropical cyclone wind signal no. 1 sa:
• Cagayan kasama ang Babuyan Islands
• Isabela
• Ilocos Norte
• Ilocos Sur
• La Union
• natitirang bahagi ng Pangasinan
• Apayao
• Kalinga
• Abra
• Mountain Province
• Ifugao
• Benguet
• Zambales
• Bataan
• Oriental Mindoro
• Occidental Mindoro
• natitirang bahagi ng Catanduanes
• natitirang bahagi ng Masbate
• Natitirang bahagi ng Romblon
Kaugnay nito, asahan ang mahina hanggang sa katamtamang lakas ng pag-ulan sa Metro Manila, Cavite, Pampanga at Zambales.
Mahina hanggang sa katamtaman at paminsan-minsang malalakas na pag-ulan naman ang iiral sa Nueva Ecija, Bulacan, Laguna, Rizal, Quezon, Batangas at Tarlac.