Bagyong Ambo, posibleng lumakas pa bilang tropical storm habang papalapit ng Eastern Visayas; Signal No. 1, posibleng itaas

Inaasahang lalakas pa bilang Tropical Storm ang kasalukuyang Tropical Depression Ambo.

Huling namataan ang bagyo sa layong 300 kilometers Silangan – Hilagang silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur.

Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong nasa 70 kph.


Mabagal itong kumikilos sa direksyong pa-hilagang kanluran.

Ayon sa PAG-ASA, posibleng itaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa ilang bahagi ng Eastern Visayas ngayong araw dahil sa inaasahang malalakas na hanging dulot ng bagyo.

Asahan na ang kalat-kalat na mahihina hanggang sa katamtaman na minsan ay malalakas na ulan sa halos buong Mindanao.

Delikado ring maglayag sa silangang baybayin ng Eastern Visayas at Caraga.

Facebook Comments