Bagyong Auring, humina pa habang papalapit sa Dinagat-Homonhon Area

Patuloy na humihina ang Tropical Depression Auring habang tumatawid ng kapuluan.

Huling namataan ang bagyo sa layong 195 kilometers Silangan ng Maasin City, Southern Leyte.

Mayroon na lamang itong lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong nasa 70 kph.


Kumikilos ang bagyo sa direksyong kanluran-hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa sumusunod na lugar:

LUZON
• Sorsogon
• Masbate, kasama ang Ticao at Burias Islands
• Albay
• Catanduanes
• Silangang bahagi ng Camarines Sur

VISAYAS
• Northern Samar
• Eastern Samar
• Samar
• Biliran
• Leyte
• Southern Leyte
• Boho
• Cebu
• Siquijor
• Hilaga at Silangang bahagi ng Negros Oriental
• Hilaga at Gitnang bahagi ng Negros Occidental
• Silangang bahagi ng Iloilo
• Silangang bahagi ng Capiz

MINDANAO
• Dinagat Islands
• Surigao del Norte
• Hilagang bahagi ng Surigao del Sur
• Agusan del Norte
• Hilagang bahagi ng Agusan del Sur
• Silangang bahagi ng Misamis Oriental
• Camiguin

Ayon sa DOST-PAGASA, magdadala ang bagyo ng malalakas na pag-ulan sa Bicol Region, Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Biliran, Leyte, Marinduque, Romblon at Quezon, habang may mahihinang pag-ulan sa Aurora, Visayas, MIMAROPA, at CALABARZON.

Humina ang bagyo dahil sa interaction nito sa LPA at sa malamig na hanging dala ng Hanging Amihan.

Nakatakdang mag-landfall ang bagyo sa Dinagat Islands-Eastern Samar-Leyte Area sa susunod na anim hanggang 12 oras.

Facebook Comments