Bahagyang humina ang Tropical Depression Auring kasabay ng inaasahang pag-landfall nito sa bahagi ng Dinagat Islands-Eastern Samar-Leyte.
Huling namataan ang bagyo sa 180 kilometers Silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.
Taglay nito ang lakas ng hanging nasa 55 kilometers per hour at pagbugsong nasa 70 kph.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong kanluran-hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa sumusunod na lugar:
LUZON
• Sorsogon
• Masbate, kasama ang Ticao at Burias Islands
• Albay
• Catanduanes
• Silangang bahagi ng Camarines Sur
VISAYAS
• Northern Samar
• Eastern Samar
• Samar
• Biliran
• Leyte
• Southern Leyte
• Boho
• Cebu
• Siquijor
• Hilaga at Silangang bahagi ng Negros Oriental
• Hilaga at Gitnang bahagi ng Negros Occidental
• Silangang bahagi ng Iloilo
• Silangang bahagi ng Capiz
MINDANAO
• Dinagat Islands
• Surigao del Norte
• Hilagang bahagi ng Surigao del Sur
• Agusan del Norte
• Hilagang bahagi ng Agusan del Sur
• Silangang bahagi ng Misamis Oriental
• Camiguin
Magdadala ang bagyo ng katamtaman hanggang sa malalakas na ulan sa Eastern Visayas, Central Visayas, Dinagat Islands, Surigao del Norte at Camiguin.
May mahihinang pag-ulan sa Bicol Region, Zamboanga Peninsula, MIMAROPA, Quezon at natitirang bahagi ng Visayas, Caraga at Northern Mindanao.
Maghahatid na rin ito ng malalakas na pag-ulan sa Bicol Region, Western Visayas, Quezon, Marinduque at Romblon habang may mahihinang pag-ulan sa Visayas, CALABARZON at MIMAROPA.