Bagyong Auring, napanatili ang lakas at halos hindi gumalaw sa pwesto nito sa silangang baybayin ng Mindanao

Nananatili sa silangang baybayin ng Mindanao ang Tropical Storm Auring.

Huling namataan ang bagyo sa layong 595 kilometers Silangan, Hilagang Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging nasa 75 kilometers per hour at pagbugsong nasa 90 kph.


Halos hindi ito gumagalaw ang bagyo sa kinaroroonan nito.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa susunod:
– Davao Oriental
– Silangang bahagi ng Davao de Oro
– Timog-silangang bahagi ng Agusan del Sur
– Katimugang bahagi ng Surigao del Sur

Ayon kay DOST-PAGASA Weather Specialist Loriedin Dela Cruz, inaasahang magla-landfall ang bagyo sa silangang bahagi ng Caragay Region sa araw ng Linggo.

Mataas ang tiyansa nitong lumakas bilang Severe Tropical Storm pero habang tumatawid ng kalupaan at interaction sa Northeast Monsoon o Hanging Amihan ay posibleng humina ito.

Asahan na ang mahihina hanggang sa paminsan-minsang malalakas na pag-ulan sa Caraga, Davao Oriental, Davao de Oro, at Davao del Norte.

Bukas ng umaga hanggang Linggo ng umaga ay may malalakas na ring pag-ulan sa Eastern Visayas, Misamis Oriental, Camiguin, Bukidnon, at Davao del Norte.

Mayroon namang mahihinang pag-ulan sa nalalabing bahagi ng Visayas, Northern Mindanao, Albay, Sorsogon, Catanduanes, Masbate, Lanao del Sur, Cotabato, at Davao City.

Tatawirin ng bagyo ang Caraga Region, Visayas at MIMAROPA hanggang sa makalabas ito ng West Philippines Sea.

Facebook Comments