Napanatili ng Tropical Storm “Auring” ang lakas nito habang nasa Philippine Sea.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 335 kilometers Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour at pagbugsong hanggang 80 km/h.
Halos hindi kumikilos ang bagyo.
Sa ngayon, nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 2 sa mga sumusunod na lugar:
Central at southern portions ng Eastern Samar (Sulat, Taft, San Julian, Borongan City, Maydolong, Balangkayan, Balangiga, Lawaan, Llorente, Hermani, General Mcarthur, Quinapondan, Giporlos, Salcedo, Mercedes, Guiuan)
Dinagat Islands
Surigao del Norte kabilang ang Siargao at Bucas Grande Islands
Nakataas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa:
Sorsogon
Masbate kabilang Ticao and Burias Islands
Albay
Catanduanes
eastern portion ng Camarines Sur (Caramoan, Presentacion, Sagnay, Buhi, Iriga City, Nabua, Bato, Balatan)
Northern Samar
Natitirang bahagi ng Eastern Samar
Samar
Biliran
Leyte
Southern Leyte
Cebu
Bohol
Siquijor
Negros Oriental
northern and central portions ng Negros Occidental (Kabankalan City, Himamaylan City, Binalbagan, Isabela, Moises Padilla, Hinigaran, La Castellana, Pontevedra, San Enrique, La Carlota City, Pulupandan, Valladolid, Bago City, Murcia, Bacolod City, Talisay City, Silay City, Enrique B. Magalona, Victorias City, Manapla, Cadiz City, Sagay City, Escalante City, Toboso, Calatrava, San Carlos City, Salvador Benedicto)
eastern portion ng Iloilo (San Rafael, Barotac Viejo, Lemery, Ajuy, Sara, Concepcion, San Dionisio, Batad, Estancia, Balasan, Carles)
eastern portion ng Capiz (Roxas City, Panitan, Ma-Ayon, Cuartero, Dumarao, Panay, Pontevedra, President Roxas, Pilar)
Surigao del Sur
Agusan del Norte
Agusan del Sur
Davao Oriental
Davao de Oro
Davao del Norte
Davao City
Camiguin
Misamis Oriental
Bukidnon
Inaasahang patuloy na kikilos pa Kanluran-Hilagang kanluran o Hilagang-kanluran ang bagyo sa susunod na 48 oras.
Posible itong mag-landfall sa pagitan ng Dinagat Islands-Eastern Samar-Leyte area mamayang gabi o bukas nang umaga.
Hihina ang bagyong Auring at magiging tropical depression bago mag-landfall dahil sa paglakas ng Northeast Monsoon.