Bagyong “Auring”, napanatili ang lakas habang nasa Philippine Sea; Signal no. 2, nakataas pa rin sa 3 lugar sa Visayas at Mindanao

87

Napanatili ng Tropical Storm “Auring” ang lakas nito habang nasa Philippine Sea.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 335 kilometers Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.


Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour at pagbugsong hanggang 80 km/h.

Halos hindi kumikilos ang bagyo.

Sa ngayon, nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 2 sa mga sumusunod na lugar:

 Central at southern portions ng Eastern Samar (Sulat, Taft, San Julian, Borongan City, Maydolong, Balangkayan, Balangiga, Lawaan, Llorente, Hermani, General Mcarthur, Quinapondan, Giporlos, Salcedo, Mercedes, Guiuan)
 Dinagat Islands
 Surigao del Norte kabilang ang Siargao at Bucas Grande Islands




Nakataas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa:

 Sorsogon
 Masbate kabilang Ticao and Burias Islands
 Albay
 Catanduanes
 eastern portion ng Camarines Sur (Caramoan, Presentacion, Sagnay, Buhi, Iriga City, Nabua, Bato, Balatan)
 Northern Samar
 Natitirang bahagi ng Eastern Samar
 Samar
 Biliran
 Leyte
 Southern Leyte
 Cebu
 Bohol
 Siquijor
 Negros Oriental
 northern and central portions ng Negros Occidental (Kabankalan City, Himamaylan City, Binalbagan, Isabela, Moises Padilla, Hinigaran, La Castellana, Pontevedra, San Enrique, La Carlota City, Pulupandan, Valladolid, Bago City, Murcia, Bacolod City, Talisay City, Silay City, Enrique B. Magalona, Victorias City, Manapla, Cadiz City, Sagay City, Escalante City, Toboso, Calatrava, San Carlos City, Salvador Benedicto)
 eastern portion ng Iloilo (San Rafael, Barotac Viejo, Lemery, Ajuy, Sara, Concepcion, San Dionisio, Batad, Estancia, Balasan, Carles)
 eastern portion ng Capiz (Roxas City, Panitan, Ma-Ayon, Cuartero, Dumarao, Panay, Pontevedra, President Roxas, Pilar)
 Surigao del Sur
 Agusan del Norte
 Agusan del Sur
 Davao Oriental
 Davao de Oro
 Davao del Norte
 Davao City
 Camiguin
 Misamis Oriental
 Bukidnon

Inaasahang patuloy na kikilos pa Kanluran-Hilagang kanluran o Hilagang-kanluran ang bagyo sa susunod na 48 oras.

Posible itong mag-landfall sa pagitan ng Dinagat Islands-Eastern Samar-Leyte area mamayang gabi o bukas nang umaga.

Hihina ang bagyong Auring at magiging tropical depression bago mag-landfall dahil sa paglakas ng Northeast Monsoon.

Facebook Comments