Bagyong Betty, bahagyang bumagal habang papalapit sa bansa; 12 lugar, nakataas pa rin sa Signal no.1

Bumagal ang bagyong Betty habang papalapit ng bansa.

Huli itong namataan sa layong 715 kilometers, Silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Mapanatili nito ang lakas na 175 kilometers per hour malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na aabot sa 215 kilometers per hour.


Kumikilos ito pa-Kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.

Nakataas ang Signal no.1 sa mga sumusunod na lugar:
• Batanes
• Cagayan kabilang ang Babuyan Islands
• Isabela
• Apayao
• Ilocos Norte
• Hilaga at gitnang bahagi ng Abra
• Kalinga
• Silangan at gitnang bahagi ng Mountain Province
• Silangan at gitnang bahagi ng Ifugao
• Hilaga at gitnang bahagi ng Aurora
• Quirino
• Hilagang-silangang bahagi ng Nueva Vizcaya

Ayon sa PAGASA-DOST, patuloy na tatahakin ng bagyong Betty ang direksyon kanluran hilagang-kanluran hanggang bukas.

Patuloy itong babagal at halos hindi na kikilos pagdating ng Martes sa katubigan sa Silangan ng Batanes.

Posible naman itong umalis ng Philippine Area of Responsibility at tumungo ng karagatang sakop ng Taiwan sa darating na Biyernes.

Facebook Comments