Bagyong Betty lumabas na ng PAR – PAGASA

Lumabas na ang Bagyong Betty sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Alas-11 ng umaga kahapon si Betty ay huling namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa layong 570 kilometro ng hilagang silangan ng Itbayat, Batanes.

Sa kasalukuyan, ang nararanasang pag-ulan sa bansa ay dulot ng habagat.


Sa susunod na 24 oras, ang habagat ay magdudulot ng bugso ng hangin sa Northern Cagayan kasama ang Babuyan Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region, MIMAROPA, Western Visayas, Northern Samar at sa Northern portion ng Samar.

Sa labas ng PAR, ang bagyo na may local name na Betty ay magla-landfall o dadaan malapit sa Okinawa Island Huwebes ng gabi o Biyernes ng umaga.

Facebook Comments