Bagyong binabantayan sa silangang bahagi ng Luzon, nakapasok na sa PAR kaninang alas-7:00 ng gabi at pinangalanang Inday ayon sa PAGASA

Photo Courtesy: PAGASA DOST

Nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bandang alas-7:00 ng gabi ang bagyong binabantayan sa silangang bahagi ng Luzon na pinangalanang Inday.

Huli itong namataan sa layong 1,175 kilometro sa Silangan-Hilagang Silangan ng Eastern Visayas na kumikilos sa direksyon Timog Kanluran sa bilis na 10 kilometers per hour.

Ito ay may lakas na aabot sa 75 kilometers per hour at may pagbugso ng aabot sa 90 kilometers per hour.


Batay sa pagtaya ng PAGASA, patuloy itong kikilos sa direksyong kanluran-hilagang kanluran sa mga susunod na oras at inaasahang lalakas pa lalo sa severe tropical storm sa susunod na 24 oras.

Antabayanan ang susunod na update ng state weather bureau hinggil kay Tropical Storm Inday mamayang alas-5:00 ng umaga.

Facebook Comments