Bahagyang bumagal ang Bagyong Bising habang tinatahak ang karagatan sa silangan ng Northern Samar.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 400 kilometro Silangan ng Catarman, Northern Samar.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 215 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 265 kilometro kada oras.
Kumikilos ito pahilagang kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras .
Sa ngayon, nananatiling nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No.2 sa mga sumusunod na lugar:
LUZON:
Catanduanes
VISAYAS:
Northern Samar
Eastern Samar
At Samar
SIGNAL NO. 1 NAMAN SA MGA SUMUSUNOD:
LUZON: Eastern portion ng Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Masbate kabilang ang Burias at Ticao Islands.
VISAYAS
Biliran
Leyte
Southern leyte
Northern portion ng Cebu kabilang ang Bantayan at Camotes Islands
MINDANAO:
Dinagat Islands
Surigao del norte kabilang ang Siargao at Bucas Grande Islands,
Hilagang bahagi ng Surigao del Sur.
Dahil dito, asahan ang mga malalakas na bugso ng hangin at mga pag-ulan sa mga nabanggit na lugar