Bagyong Bising, bahagyang humina habang nasa Silangan ng Bicol Region

Bahagyang humina ang Bagyong Bising habang kumikilos sa Philippine Sea sa Silangan ng Bicol Region.

Alas 5:00 ngayong hapon, huling namataan ang mata ng bagyo sa layong 290 kilometers Silangan ng Virac, Catanduanes.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 205 km/h at pagbugsong hanggang 250 km/h.


Kumikilos ito pakanluran hilagang-kanluran sa bilis na 15 km/h.

Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Catanduanes, Northern Samar, Eastern Samar at Samar.

Habang Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:

 Eastern portion of Camarines Norte (kinabibilangang ng; San Lorenzo Ruiz, San Vicente, Vinzons, Talisay, Daet, Mercedes at Basud), Camarines Sur, Albay, Sorsogon, at Masbate kasama na ang Burias at Ticao Islands
 Biliran
 Leyte
 Southern Leyte
 Northern portion ng Cebu (kinabibilangan ng; Tabogon, Borbon, San Remigio, Bogo City, Medellin at Daanbantayan) kasama na ang Bantayan at Camotes Islands
 Dinagat Islands
 Siargao Islands
 Bucas Grande Islands

Facebook Comments