Bagyong Bising, humina; Batanes, Cagayan, at Isabela, patuloy na uulanin!

Nananatili pa rin sa Philippines Sea ang Typhoon Bising.

Ang sentro ng bagyo ay namataan sa layong 350 kilometers Silangan ng Calayan, Cagayan.

Humina ang dala nitong hanging nasa 150 kilometers per hour at pagbugsong nasa 185 kph.


Kumikilos pahilaga ang bagyo sa bilis na 10 kph.

Nakataas na lamang nag Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa Batanes, Silangang bahagi ng Cagayan kasama ang Babuyan Islands, at ang Hilagang Silangang bahagi ng Isabela.

Ayon sa PAGASA, magiging maulan na may kasamang pagbugso ng hangin sa Batanes, Cagayan, at silangang bahagi ng Isabela.

Ang natitirang bahagi ng Hilagang Luzon ay magiging makulimlim ng panahon.

Magiging maaliwalas ang panahon sa natitirang bahagi ng bansa pero may tiyansa ng localized thunderstorms.

Hihina pa ang bagyo hanggang sa maging tropical storm category ito sa Sabado.

Patuloy na kikilos ang bagyo sa hilagang direksyon at unti-unti itong lalayo sa kalupaan ng Luzon at lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Sabado ng gabi o Linggo ng Umaga.

Facebook Comments