MANILA – Humina na ang inaasahang magiging Low Pressure Area na lamang sa susunod na bente 24-oras ang bagyong bising.Huling namataan ang bagyo sa layong 595 kilometers silangan ng Catarman, Northern Samar.Taglay ni Bising ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugso na 55 kph.Tinatahak nito ang direksyon pa-hilaga, hilagang-silangan sa bilis na 10 kph.Sa kabila ng paghina ng bagyo, sinabi ng PAGASA na delikado pa rin pa rin para sa mga sasakyang pandagat ang bumiyahe sa Northern Seaboard ng Northern Luzon at sa Eastern Seaboards ng Southern Luzon at Visayas.
Facebook Comments