Napanatili ng Bagyong Bising ang lakas nito habang kumikilos sa Philippine Sea sa Silangan ng Sorsogon.
Alas 10:00 kaninang umaga, huling namataan ang mata ng bagyo sa layong 375 kilometer Silangan ng Juban, Sorsogon o 345 kilometer Silangan ng Virac, Catanduanes.
Kumikilos ito sa bilis na 20 kilometers per hour.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 215 kph at pagbugsong hanggang 265 kph.
Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Catanduanes, Northern Samar, Eastern Samar at Samar.
Habang Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:
Eastern portion of Camarines Norte (San Lorenzo Ruiz, San Vicente, Vinzons, Talisay, Daet, Mercedes, Basud), Camarines Sur, Albay, Sorsogon, and Masbate including Burias and Ticao Islands
Biliran
Leyte
Southern Leyte
Northern portion of Cebu (Tabogon, Borbon, San Remigio, Bogo City, Medellin, Daanbantayan) including Bantayan and Camotes Islands
Dinagat Islands
Siargao Islands
Bucas Grande Islands