Papalapit na ng probinsya ng Zambales ang Tropical Depression Butchoy.
Nabatid na una itong nag-landfall sa Polillo, Quezon at ang ikalawa ay sa Infanta, Quezon.
Sa 2am Weather Bulletin ng DOST-PAGASA, huling namataan ang bagyo sa bisinidad ng Mabalacat, Pampanga.
Napanatili nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugsong nasa 75 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong Kanluran – Hilagang Kanluran sa bilis na 25 kph.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa sumusunod:
– Pangasinan
– Zambales
– Bataan
– Tarlac
– Pampanga
– Nueva Ecija
– Bulacan
– Metro Manila
Asahan ang katamtaman hanggang sa malalakas na ulan sa Zambales, Bataan, Bulacan, Pampanga, hilagang bahagi ng Palawan kasama ang Calamian at Cuyo Islands, maging sa Occidental Mindoro.
May mahihinang ulan naman sa CALABARZON, Visayas, Caraga, Davao Region, at natitirang bahagi ng Luzon.
Sa susunod na 24-oras ay inaasahang nasa 320 kilometro Kanluran ng Sinait, Ilocos Sur na ang bagyo.
Lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo sa araw ng Linggo.